You follow even if it is your life on the line?
You follow even if they will only screw you from behind?
Just because they say, we just follow?
I would rather fight for my right, your right and the right of everybody concerned...
They are not always right and they need to be reminded of that...
Hindi ako tatayo na lang sa isang tabi at hahayaan kong itaya nila ang buhay ng tao para lang sa isang BUTAS na panukala...
I want my first right... Equal protection of the laws... EQUAL... Tell me, where is the equality in this? They can cite all the reasons they want, accidents, life, crime... Point is, we are still entitled to the EQUAL PROTECTION OF THE LAWS... We are not guilty of anything until we are proven guilty... They cannot simply say or order us to stay in that deathtrap of a lane just because of un disciplined riders... It's like we take the fall for the deed of others...
If they see people doing wrong things, BAKIT DI NILA HULIHIN?!? Bakit sa atin ipapatong ang kabuuhang parusa? Anong tawag don?
Hindi nila kayang ayusin ang batas trapiko... Hinidi nila kayang ipatupad... Hindi nila kayang hulihin ang dapat hulihin... Bakit tayo ang kailangang managot?!?
Again, risk entails control... remove control, you add risk... You want them to risk you so that they can cover up for their shortcomings?
Eto dapat sa Pilipinas... Strict enforcement of all the existing laws... Strict screening and testing of all license applications... Educate the rider/driver before letting him out on the street... Panghabang buhay na solusyon yan...
Ang MC lane, hanggat bida pa sa balita yan... Pero pag nawala na din ang gana ng mga nanghuhuli, magiging yellow lane na lang din yan na di sinusunod ng mga dapat sumunod...
Patupad muna nila ang dapat nilang patupad bago sila mag dagdag ng kung ano ano... Palpak sa una, palpak sa iba... Ano sa tingin mo mangyayari dito kung di pa nga maayos ang ibang bagay ay sasabayan mo agad ng ganito?
Kung di nila kaya ang trabaho nila, WAG NILANG IPASA SA TAO ANG KAKULANGAN NILA!
3 comments:
di ko po magets ang gusto niyo iparating sir... pero tanung ko sa inyo pag nagfile kayo ng tro on mc lane?
1. anu po ang masusuggest niyo na alternatibo?
2. mas gusto po ba ng MRO na mabibilis at lumilipad sa bilis at kung saan saan lane nagpupunta ang mga mc sa commonwealth at macapagal?
3. mas gusto po ba ng MRO na maraming naakaksedente sa mga lugar na to?
4. at kung kayo po ang nasa katayuan ng LTO.MMDA,PNP anu po ang gagawin ng MRO para maging disiplinado ang mga riders?
5. i saw you on tv patrol and you said its not safe bakit po nabawasan ang naaksedente sa nung naimplement ang mc lane sa isa na lang. panu po hindi naging safe?
6. sabi niyo huliin ang mga pasaway na rider. sa napansin ko kanina nahuli po lahat ng mga pasaway na nagmomotor na walang lisensya, rehistro, nakashorts, nakatsenelas at mga minor de edad na magmomotor. mali po ba na mahuli ang ganitong rider?
Sir, eto po pananaw namin jan base sa obserbasyon namin sa commonwealth at macapagal...
1. Mula ng nagsimula sila, makikita natin ang biglang pagdami ng enforcers kasama pati mga team leaders nila at mga bisor. Dahil nag padami sila ng tao sa kalsadang ito at masugid nilang pinatupad ang lane, naging listo ang mga motorista.
2. Kasama dito ang bahagyang pagbabago din ng ugali ng iba pang sasakyan at nabawasan ng onte ang makukulit na paharang harang sa MC lane lalo na kung me nakikitang enforcer.
3. Nagpakitang gilas sila at naging mahigpit at strikto lalo na sa mga motorsiklo sa daan. Sa paraang ito, pinakita nila na kaya pala nilang gawin ang trabaho nila.
4. Kung ganyan lang sila ka sipag at kahigpit sa kalsada, kahit na alisin mo yung MC lane, bababa talaga ang aksidente sa kalsada. Dun pa lang sa mga sasakyang lumalagpas ng 60kph, sa mga bus at jeep na umaalis sa kanilang linya, sa maling pag baba o pagsakay nila, at pag bantay sa mga sasakyang lumilipat ng lane na hindi gumagamit ng signal light.
Nasabi na noon pa na ang mahigpit na implimentasyon lang ng batas trapiko ang syang aayos sa mga kalsada natin... Pero hanggat pana panahon ang ugali nila sa kanilang dapat gawin, iba iba din ugali ng motorista...
Hanggang sa mga araw na ito, dumarating pa din ang mga oras na bigla na lang silang nawawala sa kalsada at hindi nababantayan ang mga sasakyan... Sa tuwing nangyayari ito, mapapansin mo agad ang pagbabago sa ugali ng mga motorista at makikita mo na parang mga ibon na nakakawala sa kulungan...
Ang isa pang kinasasama lalo ng loob ko ay ang pag papanggap ng tao na walang problema at puro maganda ang nangyayari subalit sa mata ng mga tao na bumabaybay ng kalsadang ito, hindi ganun ang tunay na nangyayari... Hindi nabibigyan ng sapat na pahayag ang hinaing at experience ng mismong tao na naapektuhan at natatakot sa kinalalagyan nila... Puro na lang ang mga tagapag patupad ng batas ang nabibigyan ng pagkakataong magsalita...
Isang magandang ehemplo dito ay ang sinasabi nilang 1 per week na lang ang aksidente... HINDI PO ITO TOTOO... Merong nagaganap na media black out at hindi nila nirereport ang ilang mga sakuna, although hindi kasing grabe, pero sakuna pa din sya nonetheless... At kung papano nila binaliktad yung aksidente nung babae at nung fortuner... Sinasabi nila na wala daw ilaw yung motor kaya daw hindi nakita nung fortuner... Pano nangyari yun e b-new Suzuki Skydrive yung motor at alam nating lahat na AHO ang ilaw nito... So isa yan sa mga di alam ng tao at hindi nila naiintindihan...
Kahit na sampu pang video ang lumabas at libo libong litrato ang ipakita namin, kung di naman ito napapakita ng maayos at nauulat ng maayos, iba talaga magiging tingin ng tao o kulang ang kanilang kaalaman sa tunay na nangyayari...
Madaling panigan ang sinasabi ng iba dahil yun lang ang nakikita mo... Pero konting effort lang para malaman mo ang saloobin ng isang motoristang gumagamit mismo ng mga kalsadang ito sa regular basis, dun mo lang talaga makikita at mararamdaman ang tunay na pangyayari...
Eto ehemplo... Ang QCHERA club na syang binubuo ng 50-60 members ay mga motorista na sya mismong nag tratrabaho sa QC Hall... Eto ay mga engineers, office staff, support at personel ng City hall mismo... Pero ayon sa kanila, lahat sila ay hindi masaya at labis na nababahala sa ginawang implementasyon sa kalsadang ito... Makikipag usap ako sa Federation of QC motorcycle clubs na kinabibilangan ng 16 na grupo at malalaman ko din ang saloobin nila... Etong mga myembro ng QC Federation of Riders ay mga nakatira lahat sa QC at regular na tinatahak ang Commonwealth... Nakatanggap na ako ng supporta mula sa kanila sa kadahilanang hindi talaga nila nakikita na mas safe sila sa kinalalagyan nila...
Lahat ng nasabi ko ay ayon sa experience at nararamdaman ng ibang tao... Masasabi ko na naka linya ito sa aking sariling karanasan at nararamdaman kaya kami nag sampa ng petisyon laban dito...
Bukod sa mga karapatang nasasagasaan nito, hindi talaga namin nakikita ang pagiging mas safe nito... Kaya lang iba ang perception ng hindi nag momotor ay dahil wala silang ideya sa totoong nangyayari...
Salamat at magandang gabi sa iyo...
Post a Comment